Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 8

Mga Kawikaan 8:16-26

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
16Sa pamamagitan ko ay nagpupuno ang mga pangulo, at ang mga mahal na tao, sa makatuwid baga'y lahat ng mga hukom sa lupa.
17Aking iniibig sila na nagsisiibig sa akin; at yaong nagsisihanap na masikap sa akin ay masusumpungan ako.
18Mga kayamanan at karangalan ay nasa akin; Oo, lumalaging mga kayamanan at katuwiran.
19Ang bunga ko ay maigi kay sa ginto, oo, kay sa dalisay na ginto; at ang pakinabang sa akin kay sa piling pilak.
20Ako'y lumalakad sa daan ng katuwiran, sa gitna ng mga landas ng kahatulan:
21Upang aking papagmanahin ng pag-aari yaong nagsisiibig sa akin, at upang aking mapuno ang kanilang ingatang-yaman.
22Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una.
23Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, bago nalikha ang lupa.
24Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig.
25Bago ang mga bundok ay nalagay, bago ang mga burol ay ako'y nailabas:
26Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan.

Read Mga Kawikaan 8Mga Kawikaan 8
Compare Mga Kawikaan 8:16-26Mga Kawikaan 8:16-26