Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 7

Mga Kawikaan 7:1-10

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, at impukin mo sa iyo ang aking mga utos.
2Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata.
3Itali mo sa iyong mga daliri; ikintal mo sa iyong puso.
4Sabihin mo sa karunungan, Ikaw ay aking kapatid na babae; at tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa:
5Upang kanilang maingatan ka sa babaing masama; sa babaing di kilala na nagtatabil ng kaniyang mga salita.
6Sapagka't sa dungawan ng aking bahay tumitingin ako sa aking solihia;
7At ako'y tumingin sa mga musmos, ako'y nagmasid sa mga may kabataan, sa may kabataang walang bait,
8Na dumaraan sa lansangan na malapit sa kaniyang sulok, at siya'y yumaon sa daan na patungo sa kaniyang bahay;
9Sa pagtatakip silim, sa kinagabihan ng araw, sa kalahatian ng gabi, at sa kadiliman.
10At, narito, doo'y nasalubong niya ang isang babae na nakagayak ng tila isang patutot, at tuso sa puso.

Read Mga Kawikaan 7Mga Kawikaan 7
Compare Mga Kawikaan 7:1-10Mga Kawikaan 7:1-10