Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 5

Mga Kawikaan 5:13-20

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
13Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo, O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin!
14Ako'y malapit sa lahat ng kasamaan sa gitna ng kapisanan at ng kapulungan.
15Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan ng tubig, at sa nagsisiagos na tubig sa iyong sariling balon.
16Mananabog ba ang iyong mga bukal sa kaluwangan, at mga agos ng tubig sa mga lansangan?
17Maging iyong magisa, at huwag sa di kilala na kasama mo.
18Pagpalain ang iyong bukal; at magalak ka sa asawa ng iyong kabataan.
19Gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae, bigyan kang katiwasayan ng kaniyang dibdib sa buong panahon; at laging malugod ka sa kaniyang pagibig.
20Sapagka't bakit ka malulugod, anak ko, sa ibang babae, at yayakap sa sinapupunan ng di kilala?

Read Mga Kawikaan 5Mga Kawikaan 5
Compare Mga Kawikaan 5:13-20Mga Kawikaan 5:13-20