6huwag iiwanan ang karunungan at ikaw ay kaniyang babantayan; mahalin mo ito at pananatilihin kang ligtas.
7Ang karunungan ay ang pinakamahalagang bagay, kaya pagsumikapan ang karunungan at gamitin lahat ng mayroon ka para ikaw ay maaaring makakuha nang pang-unawa.
8Pahalagahan ang karunungan at ikaw ay kaniyang itataas; pararangalan ka kapag niyakap mo ito.
9Ito ay maglalagay ng isang korona ng karangalan sa iyong ulo; bibigyan ka nito ng isang magandang korona.”
10Makinig, aking anak, at pansinin ang aking mga salita, at ikaw ay magkakaroon ng maraming mga taon sa iyong buhay.