Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 4

Mga Kawikaan 4:19-27

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
19Ang daan ng masama ay katulad ng kadiliman- hindi nila alam kung ano itong kanilang kinatitisuran.
20Aking anak na lalaki, bigyang pansin ang aking mga salita; makinig sa aking mga kasabihan.
21Huwag hayaan silang malayo mula sa iyong paningin; panatilihin sila sa iyong puso.
22Dahil ang aking mga salita ay buhay sa mga nakakatagpo sa kanila at kalusugan sa kanilang buong katawan.
23Panatilihing ligtas ang iyong puso at bantayan ito nang may buong sigasig, dahil mula dito dumadaloy ang mga bukal ng buhay.
24Ilayo ang baluktot na pananalita mula sa iyo at ilayo ang maruruming salita mula sa iyo.
25Hayaan mong tumingin nang tuwid ang iyong mga mata at ipirmi ng tuwid ang iyong pagtitig sa harap mo.
26Gumawa ng isang patag na landas para sa iyong paa; sa gayon lahat ng iyong mga daraanan ay magiging ligtas.
27Huwag kang liliko sa kanan o sa kaliwa; ipihit ang iyong paa palayo mula sa kasamaan.

Read Mga Kawikaan 4Mga Kawikaan 4
Compare Mga Kawikaan 4:19-27Mga Kawikaan 4:19-27