Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 4

Mga Kawikaan 4:18-27

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
18Nguni't ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw.
19Ang lakad ng masama ay parang kadiliman: Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran.
20Anak ko, makinig ka sa aking mga salita; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi.
21Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso.
22Sapagka't buhay sa nangakakasumpong, at kagalingan sa buo nilang katawan.
23Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; sapagka't dinadaluyan ng buhay,
24Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig, at ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo.
25Tuminging matuwid ang iyong mga mata, at ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo.
26Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa, at mangatatag ang lahat ng iyong lakad.
27Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man: ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan.

Read Mga Kawikaan 4Mga Kawikaan 4
Compare Mga Kawikaan 4:18-27Mga Kawikaan 4:18-27