Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 4

Mga Kawikaan 4:15-22

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Iwasan ito, ito ay huwag magpatuloy; tumalikod mula dito at tumungo sa ibang daan.
16Dahil hindi sila nakakatulog hanggang sila ay makagawa ng masama at nanakawan sila ng tulog hanggang sila ay magdulot ng pagkatisod ng isang tao.
17Dahil sila ay kumakain ng tinapay ng kasamaan at iniinom ang alak ng karahasan.
18Ngunit ang landas ng isang tao na gumagawa ng matuwid ay katulad ng unang liwanag na patuloy na nagliliwanag; ito ay lalong nagliliwanag hanggang sa kapunuan ng araw ay dumating.
19Ang daan ng masama ay katulad ng kadiliman- hindi nila alam kung ano itong kanilang kinatitisuran.
20Aking anak na lalaki, bigyang pansin ang aking mga salita; makinig sa aking mga kasabihan.
21Huwag hayaan silang malayo mula sa iyong paningin; panatilihin sila sa iyong puso.
22Dahil ang aking mga salita ay buhay sa mga nakakatagpo sa kanila at kalusugan sa kanilang buong katawan.

Read Mga Kawikaan 4Mga Kawikaan 4
Compare Mga Kawikaan 4:15-22Mga Kawikaan 4:15-22