Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 4

Mga Kawikaan 4:1-11

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Makinig, mga anak na lalaki, sa tagubilin ng ama, at bigyang pansin para malaman ninyo kung ano ang pang-unawa.
2Ibinibigay ko sa inyo ang mga mabuting tagubilin; huwag ninyong pabayaan ang aking katuruan.
3Nung ako ay anak na lalaki ng aking ama at tanging anak ng aking ina,
4tinuruan niya ako at sinabi sa akin, “Panghawakan mong mabuti sa iyong puso ang aking mga salita; panatilihin ang aking mga utos at ipamuhay.
5Pagsumikapan na magkaroon ng karunungan at kaunawaan; huwag kalilimutan at huwag tatanggihan ang mga salita sa aking bibig;
6huwag iiwanan ang karunungan at ikaw ay kaniyang babantayan; mahalin mo ito at pananatilihin kang ligtas.
7Ang karunungan ay ang pinakamahalagang bagay, kaya pagsumikapan ang karunungan at gamitin lahat ng mayroon ka para ikaw ay maaaring makakuha nang pang-unawa.
8Pahalagahan ang karunungan at ikaw ay kaniyang itataas; pararangalan ka kapag niyakap mo ito.
9Ito ay maglalagay ng isang korona ng karangalan sa iyong ulo; bibigyan ka nito ng isang magandang korona.”
10Makinig, aking anak, at pansinin ang aking mga salita, at ikaw ay magkakaroon ng maraming mga taon sa iyong buhay.
11Papatnubayan kita sa daan ng karunungan; pangungunahan kita sa matuwid na mga landas.

Read Mga Kawikaan 4Mga Kawikaan 4
Compare Mga Kawikaan 4:1-11Mga Kawikaan 4:1-11