Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 3

Mga Kawikaan 3:15-22

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Ang karunungan ay mas mahalaga kaysa sa mga hiyas at wala sa mga ninanais mo ang maikukumpara sa kaniya.
16Mayroon siyang haba ng mga araw sa kaniyang kanang kamay; sa kaniyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan.
17Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kabaitan at lahat ng kaniyang mga landas ay kapayapaan.
18Siya ay isang puno ng buhay sa mga humahawak dito, ang mga kumakapit dito ay masasaya.
19Sa pamamagitan ng karunungan itinatag ni Yahweh ang mundo, sa pamamagitan ng pang-unawa itinayo niya ang kalangitan.
20Sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman, ang mga kailaliman ay bumukas at ibinagsak ng mga ulap ang kanilang hamog.
21Aking anak, panatilihin ang mahusay na pagpapasya at talas ng pag-iisip, at huwag mawala ang paningin sa mga ito.
22Ang mga ito ay buhay sa iyong kaluluwa at isang palamuti ng pabor para isuot sa iyong leeg.

Read Mga Kawikaan 3Mga Kawikaan 3
Compare Mga Kawikaan 3:15-22Mga Kawikaan 3:15-22