Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 3

Mga Kawikaan 3:1-14

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Aking anak, huwag kalimutan ang aking mga utos, at isapuso ang aking mga katuruan,
2dahil ang haba ng mga araw at mga taon ng buhay at kapayapaan ang idadagdag ng mga ito sa iyo.
3Huwag hayaang lisanin ka ng pagiging tapat sa tipan at pagiging katiwa-tiwala, itali ito ng magkasama sa iyong leeg, isulat ito sa kaloob-looban ng iyong puso.
4Pagkatapos ikaw ay makakahanap ng pabor at mabuting reputasyon sa paningin ng Diyos at ng tao.
5Magtiwala kay Yahweh ng buong puso at huwag umasa sa sarili mong pang-unawa;
6sa lahat ng iyong ginagawa ay kilalanin siya at gagawin niyang matuwid ang iyong mga landas.
7Huwag maging marunong sa iyong sariling mga mata; matakot kay Yahweh at talikuran ang kasamaan.
8Ito ay kagalingan sa iyong laman at inuming makapagpanibagong sigla para sa iyong katawan.
9Parangalan si Yahweh ng iyong kayamanan at ng mga unang bunga ng lahat ng iyong ani,
10at ang iyong mga kamalig ay mapupuno at ang iyong mga bariles ay aapaw, puno ng bagong alak.
11Aking anak, huwag hamakin ang disiplina ni Yahweh at huwag mapoot sa kaniyang pagsaway,
12dahil dinidisiplina ni Yahweh ang kaniyang mga minamahal, katulad ng pakikitungo ng ama sa kaniyang anak na nakalulugod sa kaniya.
13Siya na nakasusumpong ng karunungan ay masaya, siya din ay nakakuha ng kaunawaan.
14Ang matatamo ninyo sa karunungan ay mas mabuti kaysa sa maibibigay ng pilak at ang pakinabang ay mas mabuti kaysa sa ginto.

Read Mga Kawikaan 3Mga Kawikaan 3
Compare Mga Kawikaan 3:1-14Mga Kawikaan 3:1-14