Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 30

Mga Kawikaan 30:3-11

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Hindi ko natutunan ang karunungan, ni mayroon akong kaalaman ng Tanging Banal.
4Sino ang umakyat sa langit at bumaba? Sino ang nagtipon ng hangin sa ilalim ng kaniyang mga kamay? Sino ang nagtipon ng mga tubig sa balabal? Sino ang nagtatag ng lahat ng mga hangganan ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak? Tiyak na alam mo!
5Bawat salita ng Diyos ay nasubok, siya ay isang panangga sa mga nagkukubli sa kaniya.
6Huwag magdagdag sa kaniyang mga salita, o pagsasabihan ka niya at ikaw ay mapapatunayang isang sinungaling.
7Dalawang bagay ang hinihingi ko sa iyo, huwag mo silang ipagkait sa akin bago ako mamatay.
8Ilayo mo sa akin ang kayabangan at kasinungalingan. Bigyan mo ako ng hindi kahirapan ni kayamanan, bigyan mo lamang ako ng pagkain na aking kailangan.
9Dahil kung mayroon akong labis, itatanggi kita at sasabihin, “Sino si Yahweh?” O kung ako ay magiging mahirap, magnanakaw ako at lalapastanganin ko ang pangalan ng aking Diyos.
10Huwag mong siraan ng puri ang isang alipin sa harapan ng kaniyang panginoon, o isusumpa ka niya at papaniwalaang ikaw ang may kasalanan.
11Ang isang salinlahi na sinusumpa ang kanilang ama at hindi pinagpapala ang kanilang ina,

Read Mga Kawikaan 30Mga Kawikaan 30
Compare Mga Kawikaan 30:3-11Mga Kawikaan 30:3-11