Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 30

Mga Kawikaan 30:25-32

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
25ang mga langgam ay mga nilalang na hindi malalakas, pero hinahanda nila ang kanilang pagkain sa tag-araw;
26ang mga kuneho ay hindi makapangyarihang nilalang, pero ginagawa nila ang kanilang mga tahanan sa mga batuhan.
27Ang mga balang ay walang hari, pero lahat sila ay lumalakad ng maayos.
28Para sa butiki, maaari mo itong hawakan ng iyong dalawang kamay, pero sila ay natatagpuan sa mga palasyo ng mga hari.
29Mayroong tatlong bagay na marangal sa kanilang mahabang hakbang, apat na marangal kung paano lumakad:
30ang isang leon, ang pinakamalakas sa mga mababangis na hayop— hindi ito tumatalikod mula sa kahit ano; ang isang tandang mayabang sa paglalakad;
31isang kambing; at isang hari kung saan ang mga sundalo ay nasa tabi niya.
32Kung ikaw ay naging hangal, dinadakila ang iyong sarili, o kung ikaw ay nag-iisip ng kasamaan— ilagay mo ang iyong kamay sa iyong bibig.

Read Mga Kawikaan 30Mga Kawikaan 30
Compare Mga Kawikaan 30:25-32Mga Kawikaan 30:25-32