Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 30

Mga Kawikaan 30:15-21

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Ang linta ay mayroong dalawang anak na babae, “Magbigay at magbigay,” sigaw nila. May tatlong bagay na hindi kailanman nasisiyahan, apat na hindi kailanman nagsabing, “Tama na”:
16Ang Sheol, ang baog na sinapupunan, ang lupa na uhaw sa tubig, at ang apoy na hindi kailanman nagsabing, “Tama na.”
17Ang mata na nangungutya sa isang ama at nasusuklam sa pagsunod sa isang ina, ang kaniyang mga mata ay tutukain ng mga uwak sa lambak, at siya ay kakainin ng mga buwitre.
18May tatlong bagay na labis na kamangha-mangha para sa akin, apat na hindi ko maintindihan: ang daan ng isang agila sa langit;
19ang ginagawa ng isang ahas sa isang bato; ang ginagawa ng isang barko sa puso ng karagatan; at ang ginagawa ng isang lalaki kasama ang isang dalaga.
20Ito ang ginagawa ng isang nangangalunyang babae— siya ay kumakain at kaniyang pinupunasan ang kaniyang bibig at sinasabi, “Wala akong ginawang mali.”
21Sa ilalim ng tatlong bagay ang lupa ay nayayanig, at ang pang-apat ay hindi na makakayanan nito:

Read Mga Kawikaan 30Mga Kawikaan 30
Compare Mga Kawikaan 30:15-21Mga Kawikaan 30:15-21