Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 2

Mga Kawikaan 2:15-21

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Sila ay sumusunod sa mga maling landas, at gumagamit nang pandaraya para itago ang kanilang pinagdaanan.
16Ang karunungan at mabuting pagpapasya ang magliligtas sa iyo mula sa imoral na babae, mula sa babaeng naghahanap ng pakikipagsapalaran at sa kanyang mga matatamis na pananalita.
17Siya ay tumalikod sa kasamahan ng kaniyang kabataan at nakalimutan ang tipan ng kaniyang Diyos.
18Dahil ang kaniyang tahanan ay sumasamba sa kamatayan at ang kaniyang mga landas ang maghahatid sa iyo doon sa mga nasa libingan.
19Lahat nang pumupunta sa kaniya ay hindi makakabalik muli at hindi na matatagpuan ang landas ng buhay.
20Kaya ikaw ay lalakad sa daan ng mga mabubuting tao at sundin ang mga landas ng mga matutuwid.
21Magtatayo ng tahanan sa lupain ang mga gumagawa ng mabuti, at mananatili doon ang namumuhay nang may katapatan.

Read Mga Kawikaan 2Mga Kawikaan 2
Compare Mga Kawikaan 2:15-21Mga Kawikaan 2:15-21