Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 29

Mga Kawikaan 29:20-27

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
20Tingnan ang isang tao na padalus-dalos sa kaniyang mga salita? Mayroong higit pang pag-asa para sa isang taong mangmang kaysa sa kaniya.
21Ang siyang nagbibigay ng layaw sa kaniyang alipin mula sa kaniyang pagkabata, sa huli nito ay magkakaroon ng kaguluhan.
22Ang isang taong galit ay pumupukaw ng away at ang isang pinuno ng pagkapoot ay gumagawa ng maraming kasalanan.
23Ang pagmamataas ng isang tao ay ang magdadala sa kaniya pababa, pero ang siyang may mapagpakumbabang kalooban ay bibigyan nang karangalan.
24Ang siyang nakikibahagi sa isang magnanakaw ay nasusuklam sa kaniyang sariling buhay; naririnig niya ang sumpa at walang anumang sinasabi.
25Ang takot ng tao ay gumagawa ng isang bitag, ngunit ang taong nagtitiwala kay Yahweh ay mapapangalagaan.
26Marami ang humahanap sa mukha ng mga namumuno, ngunit kay Yahweh nanggagaling ang katarungan para sa kaniya.
27Ang isang taong hindi makatarungan ay kasuklam-suklam sa kanilang mga gumagawa ng matuwid, ngunit ang isang may daang matuwid ay kasuklam-suklam sa mga taong masasama.

Read Mga Kawikaan 29Mga Kawikaan 29
Compare Mga Kawikaan 29:20-27Mga Kawikaan 29:20-27