15Ang isang nakikipag-away na asawang babae ay tulad ng pumapatak lagi sa araw na maulan;
16ang pagpipigil sa kaniya ay tulad ng pagpipigil sa hangin, o sinusubukang huluhin ang langis sa iyong kanang kamay.
17Bakal ang nagpapatalas sa bakal; gaya ng parehong paraan, ang isang tao ay nagpapatalas sa kaniyang kaibigan.
18Ang isa na siyang nag-aalaga ng puno ng igos ang siyang kakain ng bunga nito, at ang isa na siyang nag-iingat sa kaniyang panginoon ay pararangalan.
19Gayundin naman ang tubig na sumasalamin sa mukha ng isang tao, gayundin ang puso ng isang tao ay sinasalamin ang kaniyang pagkatao.
20Gayundin naman ang sheol at Abaddon na hindi kailanman nasisiyahan, kaya ang mga mata ng isang tao ay hindi nasisiyahan kailanman.
21Ang tunawan ng bakal ay para sa pilak at ang isang hurno ay para sa ginto, at nasusubok ang isang tao kapag siya ay pinuri.
22Kahit na durugin mo ang isang hangal ng pangbayo - -kasama ng butil — gayon pa man hindi siya iiwanan ng kaniyang kahangalan.