Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 27

Mga Kawikaan 27:10-21

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
10Huwag pababayaan ang iyong kaibigan at kaibigan ng iyong ama, at huwag pupunta sa bahay ng iyong kapatid sa araw ng iyong kalamidad. Mas mabuti ang isang kapwa na malapit kaysa sa isang kapatid na malayo.
11Maging matalino, aking anak, at gawin mong masaya ang aking puso; pagkatapos sasagot ako sa taong kumukutya sa akin.
12Ang isang maingat na tao ay nakikita ang gulo at itinatago ang kaniyang sarili, pero ang taong walang karanasan ay sumusulong at nagdurusa dahil dito.
13Kunin ang isang kasuotan kung ang may-ari nito ay nagbibigay ng pera bilang panagot para sa utang ng isang hindi kilala; at kunin ito kung siya ay maglalagay ng panagot para sa isang nangangalunya.
14Kung sinuman ang nagbibigay sa kaniyang kapwa ng isang pagpapala nang may isang malakas na tinig ng maagang-maaga, ang pagpapalang iyon ay ituturing na isang sumpa!
15Ang isang nakikipag-away na asawang babae ay tulad ng pumapatak lagi sa araw na maulan;
16ang pagpipigil sa kaniya ay tulad ng pagpipigil sa hangin, o sinusubukang huluhin ang langis sa iyong kanang kamay.
17Bakal ang nagpapatalas sa bakal; gaya ng parehong paraan, ang isang tao ay nagpapatalas sa kaniyang kaibigan.
18Ang isa na siyang nag-aalaga ng puno ng igos ang siyang kakain ng bunga nito, at ang isa na siyang nag-iingat sa kaniyang panginoon ay pararangalan.
19Gayundin naman ang tubig na sumasalamin sa mukha ng isang tao, gayundin ang puso ng isang tao ay sinasalamin ang kaniyang pagkatao.
20Gayundin naman ang sheol at Abaddon na hindi kailanman nasisiyahan, kaya ang mga mata ng isang tao ay hindi nasisiyahan kailanman.
21Ang tunawan ng bakal ay para sa pilak at ang isang hurno ay para sa ginto, at nasusubok ang isang tao kapag siya ay pinuri.

Read Mga Kawikaan 27Mga Kawikaan 27
Compare Mga Kawikaan 27:10-21Mga Kawikaan 27:10-21