Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 27

Mga Kawikaan 27:1-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Huwag mong ipaghambog ang kinabukasan; Sapagka't hindi mo nalalaman kung ano ang ilalabas ng ibang araw.
2Purihin ka ng ibang tao at huwag ng iyong sariling bibig; ng iba, at huwag ng iyong sariling mga labi.
3Ang bato ay mabigat, at ang buhangin ay matimbang; nguni't ang galit ng mangmang ay lalong mabigat kay sa mga yaon.
4Poot ay mabagsik, at ang galit ay mamumugnaw, nguni't sinong makatatayo sa harap ng paninibugho?
5Maigi ang saway na hayag kay sa pagibig na nakukubli.
6Tapat ang mga sugat ng kaibigan: nguni't ang mga halik ng kaaway ay malabis.
7Ang busog na tao ay umaayaw sa pulot-pukyutan: nguni't sa gutom na tao ay matamis ang bawa't mapait na bagay.
8Kung paano ang ibon na gumagala mula sa kaniyang pugad, gayon ang tao na gumagala mula sa kaniyang dako.
9Ang unguento at pabango ay nagpapagalak ng puso: gayon ang katamisan ng kaibigan ng tao na nagbubuhat sa maiging payo.

Read Mga Kawikaan 27Mga Kawikaan 27
Compare Mga Kawikaan 27:1-9Mga Kawikaan 27:1-9