Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 25

Mga Kawikaan 25:11-16

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
11Salitang sinalita sa kaukulan ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak.
12Kung paano ang hikaw na ginto, at kagayakang dalisay na ginto, gayon ang pantas na mananaway sa masunuring pakinig.
13Kung paano ang lamig ng niebe sa panahon ng pagaani, gayon ang tapat na sugo sa kanila na nangagsugo sa kaniya; sapagka't kaniyang pinagiginhawa ang kaluluwa ng kaniyang mga panginoon.
14Kung paano ang mga alapaap at hangin na walang ulan, gayon ang taong naghahambog ng kaniyang mga kaloob na walang katotohanan.
15Sa pamamagitan ng pagpipigil ng loob ay napahihikayat ang pangulo, at ang malumanay na dila ay bumabasag ng buto.
16Nakasumpong ka ba ng pulot? kumain ka ng sapat sa iyo; baka ka masuya, at iyong isuka.

Read Mga Kawikaan 25Mga Kawikaan 25
Compare Mga Kawikaan 25:11-16Mga Kawikaan 25:11-16