Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 25

Mga Kawikaan 25:1-11

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ito ay mga karagdagan pang mga kawaikaan ni Solomon, na kinopya ng mga tauhan ni Hezekias, hari ng Juda.
2Kaluwalhatian ng Diyos na ikubli ang isang bagay, pero kaluwalhatian ng mga hari na saliksikin ito.
3Tulad ng kalangitan ay para sa taas at ang lupa para sa lalim, gayun din ang puso ng mga hari ay hindi malirip.
4Alisin ang kalawang mula sa pilak, at magagamit ng panday ang pilak para sa kaniyang kasanayan.
5Gayun din, alisin ang masamang mga tao mula sa harapan ng hari, at ang kaniyang trono ay maitatatag sa pamamagitan ng paggawa kung ano ang tama.
6Huwag mong parangalan ang iyong sarili sa harapan ng hari, at huwag kang tumayo sa lugar na nakalaan para sa mga dakilang mga tao.
7Mas mabuti para sa kaniya na sabihin sa iyo, “Umakyat ka rito,” kaysa sa mapahiya ka sa harapan ng marangal na tao. Kung ano ang iyong nasaksihan,
8huwag mo agad dalhin sa paglilitis. Dahil ano ang gagawin mo sa bandang huli, kapag pinahiya ka ng kapwa mo?
9Ipangatwiran mo ang kaso mo sa kapwa mo mismo, at huwag ipaalam ang lihim ng isa pang tao;
10kung hindi, ang isa na nakakarinig sa iyo ay magdadala ng kahihiyan sa iyo at ng masamang balita tungkol sa iyo na hindi mabibigyang katahimikan.
11Ang pagsasabi ng salitang napili ng mabuti, ay katulad ng mga disenyo ng ginto na nakalagay sa pilak.

Read Mga Kawikaan 25Mga Kawikaan 25
Compare Mga Kawikaan 25:1-11Mga Kawikaan 25:1-11