Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 24

Mga Kawikaan 24:25-34

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
25Pero sila na pinagsasabihan ang masama ay magkakaroon ng galak, at ang mga kaloob nang kabutihan ay darating sa kanila.
26Ang isang nagbibigay ng tapat na sagot ay nagbibigay ng halik sa mga labi.
27Ihanda mo ang iyong panlabas na gawain, at gawin mong handa ang lahat para sa iyong sarili sa bukirin; pagkatapos noon, itayo mo ang iyong bahay.
28Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapwa nang walang dahilan at huwag kang manlinlang gamit ang iyong mga labi.
29Huwag mong sabihing, “Gagawin ko sa kaniya kung ano ang ginawa niya sa akin; babalikan ko siya dahil sa kaniyang ginawa.”
30Dumaan ako sa bukirin ng isang tamad na tao, lagpas sa ubasan ng taong walang isip.
31Ang mga tinik ay tumubo sa lahat ng dako, ang lupa ay nababalot ng halamang matinik at ang batong pader nito ay sira.
32Pagkatapos ay nakita ko at pinag-isipan ito; tumingin ako at nakatanggap ng katuruan.
33Kaunting tulog, kaunting idlip, kaunting pagtitiklop ng mga kamay para magpahinga—
34at ang kahirapan ay pupunta sa iyo tulad ng isang magnanakaw at ang iyong mga pangangailangan ay pupunta sa iyo tulad ng isang armadong sundalo.

Read Mga Kawikaan 24Mga Kawikaan 24
Compare Mga Kawikaan 24:25-34Mga Kawikaan 24:25-34