Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 24

Mga Kawikaan 24:19-27

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
19Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng masama; ni maging mapanaghiliin ka man sa masama:
20Sapagka't hindi magkakaroon ng kagantihan sa masamang tao; ang ilawan ng masama ay papatayin.
21Anak ko, matakot ka sa Panginoon at sa hari: at huwag kang makisalamuha sa kanila na mapagbago:
22Sapagka't ang kanilang kasakunaan ay darating na bigla; at sinong nakakaalam ng kasiraan nila kapuwa?
23Ang mga ito man ay sabi rin ng pantas. Magkaroon ng pagtangi ng mga pagkatao sa kahatulan, ay hindi mabuti.
24Siyang nagsasabi sa masama, Ikaw ay matuwid; susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan siya ng mga bansa:
25Nguni't silang nagsisisaway sa kaniya ay magkakaroon ng kaluguran, at ang mabuting pagpapala ay darating sa kanila.
26Siya'y humahalik sa mga labi niyaong nagbibigay ng matuwid na sagot.
27Ihanda mo ang iyong gawa sa labas, at ihanda mo sa iyo sa parang; at pagkatapos ay itayo mo ang iyong bahay.

Read Mga Kawikaan 24Mga Kawikaan 24
Compare Mga Kawikaan 24:19-27Mga Kawikaan 24:19-27