Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 24

Mga Kawikaan 24:13-22

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
13Aking anak, kumain ng pulot dahil ito ay mabuti, dahil ang mga katas ng pulut-pukyutan ay matamis sa iyong panlasa.
14Katulad nito ang karunungan para sa iyong kaluluwa— kung nahanap mo ito, magkakaroon ng kinabukasan at ang iyong pag-asa ay hindi mapuputol.
15Huwag kang mag-abang tulad ng mga masasamang tao na lumulusob sa bahay ng mga gumagawa ng mabuti. Huwag mong wasakin ang bahay niya!
16Sapagkat kung ang isang taong gumagawa ng tama ay bumagsak ng pitong beses, siya ay tatayo muli, ngunit ang mga masasama ay ibabagsak ng kalamidad.
17Huwag magdiwang kapag ang iyong kaaway ay bumagsak at huwag hayaan ang iyong puso ay magalak kapag siya ay nadapa,
18o si Yahweh ay makikita at tututulan at tatalikuran ang kaniyang galit mula sa kaniya.
19Huwag kang mag-alala dahil sa kanila na gumagawa ng mga masasamang bagay, at huwag kang mainggit sa mga masasamang tao,
20sapagkat ang masamang tao ay walang kinabukasan, at ang ilawan ng masama ay mamamatay.
21Matakot kay Yahweh, at matakot sa hari, aking anak; huwag makisama sa mga naghihimagsik laban sa kanila,
22sapagkat darating nang biglaan ang kanilang kapamahakan at sino ang nakakaalam nang lawak ng pagkawasak na parehong darating mula sa kanila?

Read Mga Kawikaan 24Mga Kawikaan 24
Compare Mga Kawikaan 24:13-22Mga Kawikaan 24:13-22