1Huwag kang mainggit sa mga masasama, ni hangarin na makisama sa kanila,
2dahil ang kanilang mga puso ay nagbabalak ng karahasan, at ang kanilang mga labi ay nag-uusap tungkol sa kaguluhan.
3Sa pamamagitan ng karunungan ang isang bahay ay naitatayo at sa kaunawaan ito ay naitatatag.
4Sa kaalaman ang mga silid ay puno ng lahat ng mga mamahalin at kaaya-ayang kayamanan.
5Ang isang matalinong tao ay nagpapatunay na malakas, at ang isang taong mayroong kaalaman ay mas maigi kaysa sa isang malakas,