Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 23

Mga Kawikaan 23:9-20

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
9Huwag magsasalita na naririnig ng isang mangmang, sapagkat kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita.
10Huwag mong aalisin ang sinaunang hangganang bato o angkinin ang mga bukirin ng mga ulila,
11sapagkat ang kanilang Tagapagligtas ay malakas, at ipangangatuwiran niya ang kanilang kapakanan laban sa iyo.
12Ilagay ang iyong puso sa pagtuturo at buksan ang iyong mga tainga sa mga salita ng karunungan.
13Huwag pigilin ang disiplina sa isang bata,
14dahil kung siya ay iyong papaluin, siya ay hindi mamamatay. Kung siya ay iyong papaluin, iyong ililigtas ang kaniyang kaluluwa mula sa sheol.
15Aking anak, kung ang iyong puso ay marunong, sa gayon ang aking puso ay magiging masaya rin;
16ang aking kaloob-looban ay magagalak kapag ang iyong labi ay magsasalita ng nang matuwid.
17Huwag mong hayaang mainggit ang iyong puso sa mga makasalanan, pero magpatuloy sa takot kay Yahweh sa buong araw.
18Siguradong may kinabukasan at ang iyong pag-asa ay hindi mapuputol.
19Makinig, aking anak, at maging matalino at patnubayan ang iyong puso sa daan.
20Huwag makikisama sa mga lasenggero, o sa mga matatakaw na kumakain ng karne,

Read Mga Kawikaan 23Mga Kawikaan 23
Compare Mga Kawikaan 23:9-20Mga Kawikaan 23:9-20