Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 23

Mga Kawikaan 23:19-26

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
19Makinig ka, anak ko, at ikaw ay magpakapantas, at patnubayan mo ang iyong puso sa daan.
20Huwag kang mapasama sa mga mapaglango; sa mga mayamong mangangain ng karne:
21Sapagka't ang manglalasing at ang mayamo ay darating sa karalitaan: at ang antok ay magbibihis sa tao ng pagkapulubi.
22Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka, at huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya'y tumanda.
23Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili: Oo karunungan, at turo, at pag-uunawa.
24Ang ama ng matuwid ay magagalak na lubos: at siyang nagkaanak ng pantas na anak ay magagalak sa kaniya.
25Mangatuwa ang iyong ama at ang iyong ina, at magalak siyang nanganak sa iyo.
26Anak ko, ibigay mo sa akin ang iyong puso, at malugod ang iyong mga mata sa aking mga daan.

Read Mga Kawikaan 23Mga Kawikaan 23
Compare Mga Kawikaan 23:19-26Mga Kawikaan 23:19-26