Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 1

Mga Kawikaan 1:1-6

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ang kawikaan ni Solomon na anak na lalaki ni David, ang hari ng Israel.
2Ang mga kawikaan na ito ay para magturo ng karunungan at tagubilin, para magturo ng mga salita ng kaalaman,
3upang kayo ay makatanggap nang pagtutuwid para mamuhay kayo sa paggawa ng kung ano ang tama, makatarungan at patas.
4Ang mga kawikaan ay para din magbigay ng karunungan sa mga hindi pa naituro at para magbigay kaalaman at mabuting pagpapasya sa mga kabataan.
5Hayaan ang mga matatalinong tao na makinig at dagdagan ang kanilang nalalaman, at hayaan ang mga nakakaintinding tao na makakuha ng patnubay,
6para maunawaan ang mga kawikaan, mga kasabihan, at mga salita ng matatalinong tao at kanilang mga palaisipan.

Read Mga Kawikaan 1Mga Kawikaan 1
Compare Mga Kawikaan 1:1-6Mga Kawikaan 1:1-6