Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 19

Mga Kawikaan 19:4-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Ang kayamanan ay nakadaragdag ng maraming kaibigan, pero ang mahirap ay hiwalay mula sa kaniyang mga kaibigan.
5Ang bulaang saksi ay hindi makakaalis ng hindi napaparusahan, at hindi makakatakas ang siyang nabubuhay sa mga kasinungalingan.
6Maraming hihingi ng tulong mula sa mapagbigay na tao, at lahat ay kaibigan ng siyang nagbibigay ng mga regalo.
7Lahat ng mga kapatid ng mahirap ay napopoot sa kaniya; paano pa ang kaniyang mga kaibigan na lumalayo mula sa kaniya! Siya ay nananawagan sa kanila, pero sila ay naglaho na.
8Ang nagsisikap na magkaroon ng karunungan ay nagmamahal sa kaniyang sariling buhay; ang nagpapanatili sa pang-unawa ay makatatagpo ng kabutihan.
9Ang bulaang saksi ay hindi makaaalis ng hindi mapaparusahan, ngunit mapapahamak ang mga nabubuhay sa kasinungalingan.

Read Mga Kawikaan 19Mga Kawikaan 19
Compare Mga Kawikaan 19:4-9Mga Kawikaan 19:4-9