Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 11

Mga Kawikaan 11:24-31

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
24May isa na siyang naghahasik ng binhi—siya ay makaiipon nang higit pa; ang isa pa ay hindi naghahasik—siya ay darating sa kahirapan.
25Ang taong mapagbigay ay sasagana, at ang isa na siyang nagbibigay ng tubig sa iba ay magkakaroon ng tubig para sa kaniyang sarili.
26Sinusumpa ng mga tao ang taong ayaw magbenta ng butil, pero ang mabuting mga kaloob ay kumu-korona sa ulo ng nagbebenta nito.
27Ang isa na nagsisipag na hanapin ang mabuti ay naghahanap din ng kagandahang-loob, pero ang isa na naghahanap sa masama ay makatatagpo nito.
28Sila na nagtitiwala sa kanilang kayamanan ay babagsak, pero tulad ng dahon, sila na gumagawa ng tama ay lalago.
29Ang isa na siyang nagdadala ng gulo sa kaniyang sariling sambahayan ay magmamana ng hangin, at ang mangmang ay magiging isang alipin sa matalinong puso.
30Sila na gumagawa ng tama ay tulad ng isang puno ng buhay, pero ang karahasan ay bumabawi ng mga buhay.
31Kung sila na gumagawa ng matuwid ay tumatanggap kung ano ang karapat-dapat sa kanila, paano pa kaya ang masama at ang makasalanan!

Read Mga Kawikaan 11Mga Kawikaan 11
Compare Mga Kawikaan 11:24-31Mga Kawikaan 11:24-31