Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 11

Mga Kawikaan 11:23-29

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
23Ang nasa ng matuwid ay buti lamang: nguni't ang hintay ng masama ay poot.
24May nagsasabog, at tumutubo pa, at may humahawak naman ng higit kay sa karampatan, nguni't nauuwi lamang sa pangangailangan.
25Ang kaluluwang mapagbigay ay tataba: at siyang dumidilig ay madidilig din.
26Siyang humahawak ng trigo ay susumpain siya ng bayan: nguni't kapurihan ay mapapasaulo niya na nagbibili niyaon.
27Siyang humahanap na masikap ng mabuti ay humahanap ng lingap: nguni't siyang kumakatha ng sama ay sa kaniya lalagpak.
28Siyang tumitiwala sa kaniyang mga kayamanan ay mabubuwal: nguni't ang matuwid ay mamumukadkad na parang sariwang dahon.
29Siyang bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan ay magmamana ng hangin: at ang mangmang ay magiging alipin ng pantas sa puso.

Read Mga Kawikaan 11Mga Kawikaan 11
Compare Mga Kawikaan 11:23-29Mga Kawikaan 11:23-29