Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 11

Mga Kawikaan 11:15-22

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Sinumang mananagot sa utang ng isang hindi niya kilala ay tiyak na mapapahamak, pero ang isa na siyang kinapopootang magbigay ng isang garantiya sa ganiyang uri ng pangako ay ligtas.
16Makakamit ng isang mahabaging babae ang karangalan ngunit ang mga taong walang habag ay mahigpit na kakapit para sa kayamanan.
17Ang isang mabait na tao ay makikinabang sa kanyang sarili, pero ang isang taong malupit ay sinasaktan ang kaniyang sarili.
18Ang taong masama ay nagsisinungaling para makuha ang kaniyang kabayaran, pero ang isang nagtatanim ng kung ano ang tama ay mag-aani ng kabayaran ng katotohanan.
19Ang isang taong tapat na gumagawa kung ano ang tama ay mabubuhay, pero ang isa na humahabol sa masama ay mamamatay.
20Si Yahweh ay napopoot sa mga pusong tiwali, pero siya ay nagagalak sa kanila na kung saan ang pamamaraan ay walang kapintasan.
21Maging tiyak dito—ang mga taong masama ay hindi maaaring hindi maparusahan, pero ang mga kaapu-apuhan ng mga gumagawa ng tama ay mananatiling ligtas.
22Katulad ng isang gintong singsing sa ilong ng baboy ang isang magandang babae na walang hinahon.

Read Mga Kawikaan 11Mga Kawikaan 11
Compare Mga Kawikaan 11:15-22Mga Kawikaan 11:15-22