Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 5

Mga Hukom 5:11-25

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
11Pakinggan ang mga tinig ng mga umaawit sa igiban ng tubig. Doon sinabi nilang muli ang makatuwirang mga ginawa ni Yahweh, at ang matuwid na mga kinikilos ng kaniyang mga mandirigma sa Israel. Pagkatapos bumaba ang mga tao ni Yahweh sa mga tarangkahang lungsod.
12Gising, gising, Debora! Gising, gising, umawit ng isang awitin! Bangon, Barak, at bihagin ang iyong mga bilanggo, ikaw anak ni Abinoam.
13Pagkatapos bumaba ang mga nakaligtas sa mga maharlika— bumaba ang mga tao ni Yahweh sa akin kasama ng mga mandirigma.
14Dumating sila mula sa Efraim, na ang pinagmulan ay nasa Amalec; sumunod ang mga tao ng Benjamin sa inyo. Bumaba ang mga namumuno mula sa Macir, at ang mga nagbitbit ng isang tungkod ng opisyal mula sa Zebulun.
15At kasama ni Debora ang aking mga prinsipe sa Isacar, at kasama ni Isacar si Barak na nagmamadaling sumunod sa kaniya patungo sa lambak sa ilalim ng kaniyang utos. May matinding pagsasaliksik ng puso sa mga angkan ni Ruben.
16Bakit kayo umupo sa pagitan ng mga pugon, nakikinig sa mga pastol na tumutugtog ng kanilang mga tipano para sa kanilang mga kawan? Para sa mga angkan ni Ruben ay may dakilang pagsasaliksik ng puso.
17Nanatili si Galaad sa kabilang dako ng Jordan; at Dan, bakit siya lumibot gamit ang mga barko? Nanatili si Aser sa baybayin at nanirahan malapit sa kaniyang mga daungan.
18Isang lipi si Zebulun na inilagay sa panganib ang kanilang buhay na halos dumating sa kamatayan, at si Nephtali, rin, sa larangan ng digmaan.
19Dumating ang mga hari at nakipaglaban, pagkatapos nakipaglaban ang mga hari ng Canaan, sa Taanac sa pamamagitan ng mga tubig sa Megido. Pero hindi sila nakakuha ng pilak bilang manloloob.
20Nakipaglaban ang mga bituin mula sa langit, mula sa kanilang landas sa ibayo ng mga kalangitan nakipaglaban sila laban kay Sisera.
21Tinangay sila ng Ilog Kison palayo, ang matandang ilog na iyan, ang Ilog Kison. Magmartsa ka aking kaluluwa, maging matatag!
22At ang tunog ng paa ng mga kabayo— pumapadyak, ang pagpadyak ng kaniyang mga makapangyarihan.
23'Isumpa ang Meroz!' sinasabi ng anghel ni Yahweh. 'Tiyaking isumpa ang mga nanirahan dito! — dahil hindi sila dumating para tulungan si Yahweh— para tulungan si Yahweh sa digmaan laban sa malakas na mga mandirigma.'
24Pinagpala si Jael higit sa lahat ng mga babae, si Jael (ang asawa ni Heber ang Cineo), mas pinagpala siya kaysa sa lahat ng ibang babaeng nanirahan sa mga tolda.
25Humingi ang lalaki ng tubig, at siya ay binigyan niya ng gatas; dinalhan niya ng mantikilya sa isang pinggan para sa mga prinsipe.

Read Mga Hukom 5Mga Hukom 5
Compare Mga Hukom 5:11-25Mga Hukom 5:11-25