Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 2

Mga Hukom 2:2-11

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Hindi kayo dapat gumawa ng kasunduan sa mga naninirahan sa lupaing ito. Dapat ninyong wasakin ang kanilang mga altar.' Subalit hindi kayo nakinig sa aking tinig. Ano itong ginawa ninyo?
3Kaya sinasabi ko ngayon, 'Hindi ko itataboy ang mga Cananeo sa harapan ninyo, pero sila ay magiging mga tinik sa inyong tagiliran, at ang kanilang mga diyus-diyosan ay magiging bitag para sa inyo.'”
4Nang sinabi ng anghel ni Yahweh ang mga salitang ito sa lahat ng bayan ng Israel, sumigaw at nanangis ang mga tao.
5Tinawag nilang Bochim ang lugar na iyon. Doon ay naghandog sila ng mga alay kay Yahweh.
6Ngayon nang pinahayo ni Josue ang mga tao sa kanilang landas, ang bayan ng Israel ay pumunta sa lugar na itinalaga, para ariin ang kanilang lupain.
7Naglingkod kay Yahweh ang bayan sa buong buhay ni Josue at ng mga nakakatanda na namuhay nang higit na matagal kaysa sa kaniya, silang mga nakakita ng lahat na dakilang gawa ni Yahweh para sa Israel.
8Si Josue na anak ni Nun na lingkod ni Yahweh, ay namatay sa gulang na 110 taon.
9Inilibing nila si Josue sa hangganan ng lupaing nakatalaga sa kaniya sa Timnat Heres, sa bulubundukin ng Efraim, hilaga ng Bundok Gaas.
10Ang buong salinlahi ay nagtipon din sa kanilang mga ama. At ang isa pang salinlahing nagsitanda pagkatpos nilang hindi makakilala kay Yahweh o sa mga ginawa niya para sa Israel.
11Ginawa ng bayan ng Israel ang masama sa paningin ni Yahweh at sila'y naglingkod sa mga Baal.

Read Mga Hukom 2Mga Hukom 2
Compare Mga Hukom 2:2-11Mga Hukom 2:2-11