Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 1

Mga Hukom 1:12-19

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
12Sinabi ni Caleb, “Sinuman ang sumalakay sa Kiriat Sefer at kunin ito, ibibigay ko sa kaniya si Acsa, ang aking anak na babae, para kaniyang maging asawa.”
13Si Otniel na anak na lalaki ni Kinaz (nakababatang kapatid ni Caleb) ay binihag ang Debir, kaya binigay ni Caleb si Acsa, ang kaniyang anak na babae, para maging asawa niya.
14Di nagtagal ay lumapit si Acsa kay Otniel, at hinimok niya si Otniel na hilingin sa kaniyang ama na bigyan siya ng isang bukirin. Habang pababa siya sa kaniyang asno, tinanong siya ni Caleb, “Ano ang maaari kong gawin para sa iyo?”
15Sinabi niya sa kaniya, “Bigyan mo ako ng biyaya. Buhat ng paglagay mo sa akin sa lupain ng Negeb, bigyan mo rin ako ng mga bukal ng tubig.” Kaya binigay ni Caleb sa kaniya ang mga bukal sa itaas at mga bukal sa ibaba.
16Umakyat sa Lungsod ng mga Palmera ang mga kaapu-apuhan ng Cineong biyenan ni Moises kasama ang bayan ng Juda, sa ilang saJuda, na nasa Negeb, para manirahan kasama ng mga tao ng Juda na malapit sa Arad.
17At sumama ang mga lalaki ng Juda sa mga kalalakihan sa Simeon na kanilang mga kapatid at sinalakay ang mga Cananeo na sumakop sa Sefat at winasak ito ng husto. Ang pangalan ng lungsod ay tinawag na Horma.
18Sinakop din ng mga tao ng Juda ang Gaza at ang lupaing nasa paligid nito, Ashkelon at ang lupaing nasa paligid nito, at Ekron at ang lupaing nasa paligid nito.
19Si Yahweh ay kasama ng mga tao ng Juda at inangkin nila ang bulubundukin, pero hindi nila napalayas ang mga naninirahan sa mga kapatagan dahil mayroon silang mga bakal na karwaheng pandigma.

Read Mga Hukom 1Mga Hukom 1
Compare Mga Hukom 1:12-19Mga Hukom 1:12-19