Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 11

Mga Hukom 11:33-38

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
33Sinalakay niya sila at nagdulot na maraming mapatay mula sa Aroer ganoon din sa Minit—dalawampung mga lungsod—at sa Abelqueramim. Kaya ang bayan ng Ammon ay inilagay sa ilalim ng pamumuno ng bayan ng Israel.
34Dumating si Jefta sa kaniyang tahanan sa Mizpa, at doon lumabas ang kaniyang anak na babae para salubungin siya ng mga tamburin na mayroong kasamang sayaw. Siya lamang ang nag-iisa niyang anak, at maliban sa kaniya wala na siyang anak na lalaki ni anak na babae.
35Nang makita niya ang kaniyang anak na babae, pinunit niya ang kaniyang mga damit at sinabi, “O! Aking anak! dinurog mo ako ng kalungkutan, at naging isa ka sa magdudulot sa akin ng sakit! Sapagkat gumawa ako ng isang panata kay Yahweh, at hindi ko na mababawi ang aking panata.”
36Sinabi niya sa kaniya, “Aking ama, gumawa ka ng isang panata kay Yahweh, gawin mo sa akin ang lahat ng iyong ipinangako, dahil si Yahweh ang nagsagawa ng paghihiganti laban sa iyong mga kaaway, ang mga Amoreo.”
37Sinabi niya sa kaniyang ama, “Hayaan ang pangakong ito na maitago para sa akin. Iwan akobng mag-isa sa loob ng dalawang buwan, para ako ay makaalis at bumababa sa mga burol at magdalamhati sa aking pagkabirhen, ako at ang aking mga kasamahan.”
38Sinabi niya, “Umalis ka na.” Pinaalis niya ang kaniyang anak na babae ng dalawang buwan. Siya ay Iniwan niya, siya at ang kaniyang mga kasamahan, at nagdalamhati sila sa kaniyang pagkabirhen sa burol.

Read Mga Hukom 11Mga Hukom 11
Compare Mga Hukom 11:33-38Mga Hukom 11:33-38