6ngunit bumangon ka, pumasok ka sa lungsod, at sasabihin saiyo kung ano ang dapat mong gawin.”
7Ang mga lalaking kasama ni Saulo sa paglalakbay ay hindi nakapagsalita, naririnig ang tinig, ngunit walang nakikita.
8Tumayo si Saulo sa lupa, at nang imulat niya ang kaniyang mga mata, wala na siyang nakita kaya inakay siya at dinala sa Damasco.
9Hindi siya nakakita sa loob ng tatlongaraw at hindi kumain ni uminom.
10Ngayon may isang alagad sa Damasco na ang pangalan ay Ananias; at ang Panginoon ay nangusap sa kaniya sa pamaamgitan ng isang pangitain, “Ananias” At sinabi niya, “Tingnan mo, narito ako, Panginoon.”
11Sinabi ng Panginoon sa kaniya, “Tumayo ka, at pumunta ka sa kalye na kung tawagin ay Matuwid, at tanungin mo sa tahanan ni Judas ang lalaking galing sa Tarsus na ang pangalan ay Saulo; sapagkat siya ay nananalangin;
12at nakita niya sa pangitain ang lalaking nagngangalang Ananias na dumarating at nagpapatong ng kamay nito sa kaniya, upang siya ay makakita.”
13Ngunit sumagot si Ananias, “Panginoon, narinig ko sa marami ang tungkol sa taong ito, kung paano niya ginawan ng masama ang mga banal mong mga tao sa Jerusalem.
14Siya ay may kapangyarihan mula sa mga pinakapunong pari upang dakpin ang lahat na tumatawag sa inyong pangalan.”
15Ngunit sinabi ng Panginoon sa kaniya,” Pumunta, ka sapagkat siya ay sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa mga Hentil at sa mga hari at sa lahat ng anak ng Israel;
16sapagkat ipapakita ko sa kaniya kung gaano siya dapat magtiis para sa aking pangalan.”
17Kaya umalis si Ananias, at pumasok sa tahanan. Ipinatong nito ang kaniyang kamay sa kaniya at sinabi, “Kapatid na Saulo, ang Panginoon Jesus, na siyang nagpakita sa iyo sa daan nang papunta ka rito, ay sinugo ako upang ikaw ay makakita at mapuspos ng Banal na Espiritu.”
18Kaagad may isang bagay na parang kaliskis ang nahulog mula sa mga mata ni Saulo, at bumalik ang kaniyang paningin; Tumayo siya at nabautismuhan;
19at siya ay kumain at lumakas. Nanatili siya kasama ng mga alagad sa Damasco ng ilang mga araw.