Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 8

Mga Gawa 8:12-23

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
12Ngunit nang paniwalaan nila ang ipinangaral ni Felipe tungkol sa ebanghelyo na tungkol sa kaharian ng Diyos, at ang pangalan ni Jesu-Cristo, sila ay nabautismuhan, kapwa mga lalaki at babae.
13At si Simon mismo ay naniwala: pagkatapos niyang mabautismuhan, nagpatuloy siyang kasama ni Felipe; nang makita niya ang mga tanda at mga makapangyarihang gawa, siya ay namangha.
14Ngayon nang marinig ng mga apostol sa Jerusalem na ang mga taga-Samaria ay tinanggap ang salita ng Diyos, sinugo nila sina Pedro at Juan.
15Nang sila ay dumating, nanalangin sila para sa kanila na tanggapin ang Banal na Espiritu.
16Sapagkat ng mga panahong iyon hindi pa dumating ang Banal na Espiritu sa sinuman sa kanila. Nabaustimuhan lamang sila sa pangalan ng Panginoon.
17Pagkatapos ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang mga kamay sa kanila, at tinanggap nila ang Banal na Espiritu.
18Ngayon nang makita ni Simon na naipagkaloob ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay ng mga apostol sa kanila, inalok niya sila ng pera.
19Sinabi niya,” Ibigay mo rin sa akin ang kapangyarihang ito upang sinumang patungan ng aking mga kamay ay tatanggap ng Banal na Espiritu.”
20Ngunit sinabi ni Pedro sa kaniya, “Masawi ka sana kasama ng iyong pilak, sapagkat iniisip mong makakamit mo ang kaloob ng Dios sa pamamagitan ng pera.
21Wala kang kabahagi o karapatan sa bagay na ito, dahil ang iyong puso ay hindi tama sa Diyos.
22Samakatuwid magsisi ka sa iyong mga kasamaan, at manalangin sa Panginoon, upang ikaw ay patawarin sa kung ano ang iyong hinahangad.
23Sapagakat nakikita ko na ikaw ay nasa lason ng kapaitan at naka gapos sa kasalanan.”

Read Mga Gawa 8Mga Gawa 8
Compare Mga Gawa 8:12-23Mga Gawa 8:12-23