Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 5

Mga Gawa 5:4-11

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Habang hindi pa ito nabebenta, hindi ba nanatili itong sa iyo? At matapos itong maipagbili, hindi ba't nasa iyo parin ang pamamahala? Paano mong naisip ang mga bagay na ito sa iyong puso? Hindi ka sa tao nagsinungaling, kundi sa Diyos.”
5Habang pinakikinggan ang mga salitang ito, si Ananias ay nabuwal at nawalan ng hininga. At matinding takot ang dumating sa lahat ng nakarinig nito.
6Ang mga binata ay lumapit sa harap at binalot siya, binuhat siya palabas at inilibing.
7Makalipas ang halos tatlong oras, pumasok ang kaniyang asawa, na alam kung ano ang nangyari.
8Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Sabihin mo sa akin kung naibenta ang lupa sa ganoong halaga.” Sinabi niya, “Oo, sa ganoong halaga.”
9Pagkatapos sinabi ni Pedro sa kaniya, “Paanong nagkasundo kayong dalawa para subukin ang Espiritu ng Panginoon? Tignan mo, ang mga paa ng mga naglibing sa iyong asawa ay nasa pintuan, at dadalhin ka nilang palabas.”
10Agad siyang nabuwal sa kaniyang paanan, at nawalan ng hininga, at ang mga binata ay pumasok at natagpuan siyang patay; binuhat nila siya palabas at inilibing sa tabi ng kaniyang asawa.
11Matinding takot ang dumating sa buong iglesiya, at sa lahat ng mga nakarinig nang bagay na ito.

Read Mga Gawa 5Mga Gawa 5
Compare Mga Gawa 5:4-11Mga Gawa 5:4-11