Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 5

Mga Gawa 5:13-28

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
13Ngunit walang sinuman ang may lakas ng loob na sumali sa kanila; gayunpaman, sila ay patuloy na pinahalagahan ng mga tao.
14Marami pang mga mananampalataya ang naidagdag sa Panginoon, maraming mga lalaki at mga babae,
15kaya dinadala nila maging ang mga may sakit sa daanan at ipinapahiga sa mga higaan at sa hiligan, upang sa pagdating ni Pedro baka sakaling tumama sa ilan sa kanila ang kaniyang anino.
16Mayroon ding maraming bilang ng mga tao ang dumating mula sa mga bayan sa palibot ng Jerusalem, dinadala ang mga may sakit at mga pinapahirapan ng maruming mga espiritu, at silang lahat ay gumaling.
17Ngunit tumayo ang pinakapunong pari, at ang lahat ng kaniyang mga kasama (na sekta ng mga Saduceo) at sila ay napuno ng inggit
18at dinakip nila ang mga apostol, at inilagay sila sa pampublikong bilangguan.
19Ngunit kinagabihan binuksan ng anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng bilangguan at ginabayan sila palabas, at sinabi,
20“Pumunta kayo sa templo tumayo at magsalita sa mga tao lahat ng mga salita ng Buhay na ito.”
21Nang marinig nila ito, pumasok sila sa templo ng magbubukang-liwayway at nagturo. Ngunit dumating ang pinaka punongpari, at lahat ng kasama niya, at tinawag ang buong konseho, lahat ng mga matatanda ng Israel, at pinapunta sila sa bilangguan upang kunin ang mga apostol.
22Ngunit hindi sila nakita sa bilangguan ng mga pumuntang opisyal, at bumalik sila at ibinalita,
23“Natagpuan namin na maingat na nakasarado ang bilangguan at ang mga bantay ay nakatayo sa pintuan, ngunit nang aming buksan ay wala kaming nakita.”
24Ngayon nang narining ng kapitan ng templo at ng mga punong pari ang mga salitang ito, sila ay labis na naguluhan ukol sa kanila ayon sa kung ano ang kalalabasan nito.
25Pagkatapos may isang dumating at sinabi sa kanila, ''Ang mga lalaki na inyong inilagay sa bilangguan ay nakatayo sa templo at nagtuturo sa mga tao.''
26Kaya't nagtungo ang kapitan kasama ang mga opisyal, ibinalik sila, ngunit walang karahasan, dahil natakot sila na baka batuhin sila ng mga tao.
27Nang dalhin nila sila, iniharap sila sa konseho. Nagtanong ang pinaka-punong pari sa kanila,
28nagsasabing, ''Hindi ba't mahigpit namin kayong pinangbilinan na huwag magturo sa pangalang ito, gayon pa man, pinuno ninyo ang Jerusalem ng inyong katuruan, at ninais ninyong dalhin sa amin ang dugo ng taong ito.”

Read Mga Gawa 5Mga Gawa 5
Compare Mga Gawa 5:13-28Mga Gawa 5:13-28