Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 4

Mga Gawa 4:19-26

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
19Ngunit sumagot sina Pedro at Juan at sinabi sa kanila, “Kung tama sa paningin ng Diyos na sundin kayo sa halip na siya, kayo na ang humatol.
20Dahil hindi namin kayang hindi magsalita tungkol sa mga bagay na aming nakita at narinig.”
21Pagkatapos muling balaan sina Pedro at Juan, pinayagan na nila silang umalis. Hindi sila makahanap ng anumang dahilan upang sila ay parusahan, sapagka't ang lahat ng mga tao ay nagpupuri sa Diyos dahil sa nangyari.
22Ang lalaking nakaranas ng himalang ito ng kagalingan ay higit na apatnapung taong gulang.
23Pagkatapos nilang mapalaya, pumunta sina Pedro at Juan sa kanilang mga kasamahan at ibinalita ang lahat ng sinabi sa kanila ng mga punong pari at mga nakatatanda.
24Nang marinig nila ito, sama-sama nilang nilakasan ang kanilang mga boses sa Diyos at sinabi, “Panginoon, ikaw na siyang may gawa ng langit at lupa, at ng dagat, at ng lahat ng naroon,
25ikaw na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, sa pamamagitan ng bibig ng aming amang si David na iyong lingkod, ay nagsabi, 'Bakit nagngangalit ang mga bansang Gentil at ang mga tao ay nag-iisip ng mga walang kabuluhang bagay?
26Naghanda ang mga hari sa mundo, at sama-samang nagtipon ang mga tagapamuno laban sa Panginoon, at laban kay Cristo.

Read Mga Gawa 4Mga Gawa 4
Compare Mga Gawa 4:19-26Mga Gawa 4:19-26