Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 3

Mga Gawa 3:5-15

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Tumingin sa kanila ang lalaking pilay, na umaasang makatatangap ng anuman mula sa kanila.
6Ngunit sinabi ni Pedro, “Wala akong pilak at ginto, ngunit ibibigay ko sa iyo kung ano ang mayroon ako. Sa pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, lumakad ka.”
7Hinawakan siya ni Pedro sa kanang kamay, at itinayo: kaagad na lumakas ang kaniyang mga paa at ang mga buto sa kaniyang bukung-bukong.
8Paluksong tumayo ang lalaki at nagsimulang maglakad, pumasok siya na kasama sina Pedro at Juan sa templo, lumalakad, lumulundag, at nagpupuri sa Diyos.
9Nakita siya ng lahat ng mga tao na naglalakad at nagpupuri sa Diyos.
10Nakilala nila na ito ang lalaking nakaupo at tumatanggap ng limos sa may Magandang Pintuan ng templo, at labis silang nagtaka at namangha dahil sa nangyari sa kaniya.
11Habang nakahawak siya kina Pedro at Juan, tumakbong magkakasama papunta sa kanila ang lahat ng mga tao sa tinatawag na portiko ni Solomon, na labis na nagtataka.
12Nang makita ito ni Pedro, sumagot siya sa mga tao, “Kayong mga Israelita, bakit kayo nagtataka? Bakit kayo nakatitig sa amin, na parang kami ang nakapagpalakad sa kaniya sa pamamagitan ng aming sariling kapangyarihan o pagiging makadiyos?
13Ang Diyos ni Abraham, Isaac, at ni Jacob. Ang Diyos ng ating mga ninuno ay niluwalhati ang kaniyang lingkod na si Jesus. Siya na inyong dinala at itinakwil sa harapan ni Pilato, nang ipinasya niyang palayain siya.
14Inyong itinakwil Ang Banal at Ang Matuwid, at sa halip hiniling ninyo na mapalaya ang isang mamamatay tao para sa inyo.
15Pinatay ninyo ang Prinsipe ng buhay, na binuhay ng Diyos mula sa mga patay -at kami ang mga saksi ng mga ito.

Read Mga Gawa 3Mga Gawa 3
Compare Mga Gawa 3:5-15Mga Gawa 3:5-15