Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 28

Mga Gawa 28:9-24

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
9Pagkatapos nitong mangyari, ang ilan sa mga taong nasa isla na maysakit ay lumalapit din, at sila ay gumaling.
10Pinarangalan din kami ng mga tao ng maraming karangalan. Nang kami ay naghahanda na sa paglayag, binigyan nila kami ng aming mga pangangailangan.
11Pagkatapos ng tatlong buwan, kami ay nagtakda ng paglalayag sa barkong Alexandria na tag lamig sa isla, na ang kanilang sagisag ay Ang Kambal na mga Lalaki.
12Nang kami ay dumaong sa lungsod ng Siracusa, kami ay nanirahan doon ng tatlong araw.
13Mula doon kami ay naglayag at nakarating sa lungsod ng Regio. Pagkatapos ng isang araw ang hangin mula sa timog ay umiihip, at sa ikalawang araw ay nakarating kami sa lungsod ng Puteoli.
14Doon nakahanap kami ng ilang kapatiran at inanyayahan kami na tumira sa kanila ng pitong araw. Sa daang ito nakarating kami sa Roma.
15Mula doon ang mga kapatiran pagkatapos nilang marinig ang tungkol sa amin, dumating sila para salubungin kami sa malayo sa Pamilihan ng Appio at Ang Tatlong Tuluyan. Nang nakita ni Pablo ang magkapatid, nagpasalamat siya sa Diyos at siya ay napalakas.
16Nang kami ay pumasok sa Roma, pinayagan si Pablo na tumirang mag isa kasama ang sundalong nagbantay sa kaniya.
17At nangyari, pagkalipas ng tatlong araw tinawag ni Pablo ang mga lalaking pinuno mula sa mga Judio. Nang sila ay magkakasamang dumating, sinabi niya sa kanila, “Mga kapatid, ako man ay walang nagawang pagkakamali laban sa mga tao o sa kaugalian ng ating mga ninuno, dinala ako bilang isang bilanggo mula sa Jerusalem sa mga kamay ng mga Romano.
18Pagkatapos nila akong tanungin, nais nila akong palayain sapagkat walang dahilan para ako’y hatulan ng parusa ng kamatayan.
19Ngunit nang ang mga Judio ay nagsalita labag sa kanilang nais, ako ay napilitang umapila kay Cesar, gayon pa man kahit na hindi ako ang nagdadala ng anumang paratang laban sa aking bansa.
20Dahil sa aking kahilingan, pagkatapos nakiusap ako na makita kayo at makipag-usap sa inyo. Ito ang dahilan kung bakit napalakas ang loob ng Israel na ako ay naigapos sa kadenang ito.
21At sinabi nila sa kaniya, “Kami ay walang natanggap na mga sulat mula sa Judea patungkol sa iyo, o sinuman sa mga kapatirang dumating at nagbalita o nagsabi ng anumang masama patungkol sa iyo.
22Ngunit nais naming marinig mula sa iyo kung ano ang iniisip mo tungkol sa sektang ito, sapagkat ipinaalam ito sa amin na alam ng lahat at pinag-uusapan saan mang dako.
23Nang sila ay nagtakda ng araw para sa kaniya, maraming tao ang lumapit sa kaniya sa lugar na kaniyang tinitirhan. Iniharap niya ang mga bagay sa kanila, at nagpatotoo tungkol sa kaharian ng Dios. Sinubukan niyang himukin sila patungkol kay Jesus, ayon sa batas ni Moises at sa mga propetanasabi, niya, mula umaga hanggang gabi.
24Ang ilan ay nahikayat patungkol sa mga bagay na habang ang iba ay hindi naniwala.

Read Mga Gawa 28Mga Gawa 28
Compare Mga Gawa 28:9-24Mga Gawa 28:9-24