Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 23

Mga Gawa 23:15-24

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Kaya ngayon, hayaan ninyo na ang konseho ang magsabi sa punong kapitan na dalhin siya sa inyo, na para bang pagpapasyahan mo ng husto ang kaniyang kaso. Para sa amin, handa namin siyang patayin bago siya makapunta dito.”
16Ngunit narinig ito ng lalaking anak ng kapatid na babae ni Pablo na matagal silang naghihintay, kaya pumunta siya at pumasok sa kampo at sinabi kay Pablo.
17Tinawag ni Pablo ang isa sa mga senturion at sinabi, “Dalhin mo ang binata na ito sa punong kapitan, dahil mayroon siyang sasabihin sa kaniya.”
18Kaya sinama ng senturion ang binata at dinala sa punong kapitan at sinabi, “Pinatawag ako ng bilanggong si Pablo na pumunta sa kaniya, at nakiusap siya kung maaaring dalhin ko ang binatang ito sa iyo. May nais siyang sabihin sa iyo”
19Hinila siya sa kamay ng punong kapitan at dinala sa pribadong lugar at siya ay tinanong, “Ano ang kinakailangan mong sabihin sa akin?”
20Sinabi ng binata, “Nagkasundo ang mga Judio na hilingin sa iyo na ipadala mo si Pablo sa konseho bukas, na para bang sisiyasatin siya ng mabuti patungkol sa kaniyang kaso.
21Pero huwag kang maniniwala sa kanila, dahil mayroong higit sa apat-napung kalalakihan ang nag-aabang sa kaniya. Isinumpa nila ang kanilang sarili, na hindi sila kakain o iinom hangga't mapatay nila siya. Ngayon pa lang nakahanda na sila, naghihintay ng pahintulot mula sa iyo.”
22Kaya hinayaan ng punong kapitan ang binata na umalis, pagkatapos siyang mapagsabihang, “Wag mong babanggitin sa iba ang mga bagay na sinabi mo sa akin.”
23Kaya pinatawag niya ang dalawang senturion at sinabi, “Maghanda kayo ng dalawang-daang kawal na handang magtungo hanggang sa Cesarea, at pitumpung mangangabayo, at dalawang-daang maninibat. Aalis kayo alas nuwebe ng gabi.”
24Inutusan din niyang magbigay sila ng hayop na masasakyan ni Pablo, at dalhin siya ng ligtas kay gobernador Felix.

Read Mga Gawa 23Mga Gawa 23
Compare Mga Gawa 23:15-24Mga Gawa 23:15-24