Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 22

Mga Gawa 22:13-26

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
13Lumapit siya sa akin, tumayo sa aking tabi, at sinabi, 'Kapatid na Saulo, tanggapin mo ang iyong paningin.' Sa mga oras din na iyon, nakita ko siya.
14Pagkatapos sinabi niya 'Pinili ka ng Diyos ng ating mga ninuno upang malaman ang kaniyang kalooban, upang makita ang Isang Matuwid, at upang pakinggan ang tinig na manggagaling sa kaniyang sariling bibig.
15Dahil ikaw ang magiging saksi sa kaniya sa lahat ng mga tao tungkol sa iyong nakita at narinig.
16At bakit ka naghihintay ngayon? Tumayo ka, at magpabautismo, at hugasan ang iyong mga kasalanan na tumatawag sa kaniyang pangalan.'
17Pagkatapos kong makabalik sa Jerusalem at habang ako ay nananalangin sa templo, nangyari nga na binigyan ako ng pangitain.
18Nakita ko siya na sinabi sa akin, 'Magmadali ka at lisanin kaagad ang Jerusalem, dahil hindi nila tatanggapin ang iyong patotoo patungkol sa akin.'
19Sinabi ko, 'Panginoon, sila mismo ang nakakaalam na ako ay nagpabilanggo at nagparusa ng mga sumampalataya sa iyo sa bawat sinagoga.
20Nang dumanak ang dugo ni Esteban na iyong saksi, nandoon ako na nakatayo at sumasang-ayon at binabantayan ko ang mga damit ng mga pumatay sa kaniya.
21Ngunit sinabi niya sa akin “Umalis ka, dahil papupuntahin kita sa mga Gentil.”
22Pinahintulutan siya ng mga tao na magsalita hanggang sa puntong ito. Ngunit pagkatapos nagsigawan sila at nagsabing, “Alisin ang taong ito sa lupa: sapagkat hindi siya nararapat na mabuhay.”
23Habang sila ay nagsisigawan, hinahagis nila ang kanilang mga kasuotan, at naghahagis ng alikabok sa hangin
24at ipinag-utos ng punong kapitan na dalhin si Pablo sa kampo. Iniutos na hagupitin siya habang tinatanong, upang malaman niya kung bakit nagsisigawan sila laban sa kaniya ng ganoon.
25Nang magapos na nila siya ng panaling balat, sinabi ni Pablo sa senturion na nakatayo sa tabi, “Naaayon ba sa batas na hagupitin mo ang isang taong Romano na hindi pa nahahatulan?”
26Nang marinig ito ng senturion, pinuntahan niya ang punong kapitan at sinabi sa kaniya, “Ano ang gagawin mo? Dahil ang taong ito ay isang mamamayang Romano.”

Read Mga Gawa 22Mga Gawa 22
Compare Mga Gawa 22:13-26Mga Gawa 22:13-26