Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 21

Mga Gawa 21:4-8

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Pagkatapos naming matagpuan ang mga alagad, nanatili kami roon ng pitong araw. Nagsabi kay Pablo Ang mga alagad na ito sa pamamagitan ng Espiritu na huwag siyang tumapak ng kaniyang mga paa sa Jerusalem.
5Nang makapagpalipas kami ng mga araw, umalis kami at nagpatuloy sa paglalakbay. Lahat sila, kasama ang kanilang mga asawa at mga anak, ay sinamahan kami sa daan hanggang makalabas kami ng lungsod. Pagkatapos lumuhod kami sa tabing dagat, nanalangin at nagpaalam na sa bawat isa.
6Sumakay kami sa barko, habang pabalik sila sa kanilang tahanan.
7Nang matapos namin ang paglalakbay mula sa Tiro, dumating kami sa Tolemaida. Doon ay binati namin ang mga kapatid at nanatili na kasama nila ng isang araw.
8Kinabukasan umalis kami at nagtungo sa Cesarea. Pumasok kami sa bahay ni Felipe, na tagapangaral ng ebanghelyo na isa sa pito, at nanatili kaming kasama niya.

Read Mga Gawa 21Mga Gawa 21
Compare Mga Gawa 21:4-8Mga Gawa 21:4-8