Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 1

Mga Gawa 1:3-12

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Pagkatapos ng kaniyang paghihirap, iniharap niyang buhay ang kaniyang sarili sa kanila kasama ang marami pang mga kapani-paniwalang katibayan. Sa loob ng apatnapung araw, nagpakita siya sa kanila at nagsalita siya tungkol sa kaharian ng Diyos.
4Noong nakikipagkita pa siya sa kanila, iniutos niya sa kanila na huwag umalis ng Jerusalem, kundi maghintay sa pangako ng Ama na kung saan sinabi niya “Narinig ninyo mula sa akin
5na tunay na nagbautismo si Juan gamit ang tubig, ngunit kayo ay mababautismuhan sa Banal na Espiritu sa mga susunod na araw.''
6Nang sama-sama silang nagkatipon tinanong nila siya, ''Panginoon, ito na ba ang oras na ibabalik mo ang kaharian sa Israel?''
7Sinabi niya sa kanila, ''Hindi na para malaman ninyo ang mga oras o ang mga panahon na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan.
8Ngunit makakatanggap kayo ng kapangyarihan, kapag sumainyo ang Banal na Espiritu at kayo ay magiging saksi ko sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa mga dulo ng mundo.''
9Nang sabihin ng Panginoong Jesus ang mga bagay na ito, habang nakatingala sila, siya ay itinaas, at itinago siya ng ulap mula sa kanilang mga mata.
10Habang nakatitig sila sa langit nang siya ay paalis, bigla na lamang may dalawang lalaking nakatayo sa tabi nila na nakasuot ng puti.
11Sinabi nila, “Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayo dito na nakatingin sa langit? Itong Jesus na umakyat sa langit ay babalik rin sa paraang katulad ng nakita ninyo na pagpunta niya sa langit.”
12At bumalik sila sa Jerusalem mula sa Bundok ng Olibo, na malapit sa Jerusalem, isang Araw ng Pamamahinga na paglalakbay.

Read Mga Gawa 1Mga Gawa 1
Compare Mga Gawa 1:3-12Mga Gawa 1:3-12