Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 1

Mga Gawa 1:20-26

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
20“Sapagkat nasusulat sa Aklat ng Mga Awit, 'Hayaan ninyong walang manirahan sa kaniyang bukirin, at huwag ninyong hayaan ang kahit na isang tao na manirahan doon'; at 'Hayaang may isang tao na kumuha sa kanyang posisyon ng pamumuno.'
21Ito ay kinakailangan, samakatuwid, na isa sa mga kalalakihang nakasama natin sa lahat ng oras nang ang Panginoong Jesus ay kasa-kasama pa natin,
22simula sa pagbautismo ni Juan hanggang sa araw na kunin siya sa atin, dapat ay isa siyang saksing kasama natin sa kaniyang muling pagkabuhay.”
23Naglapit sila sa harapan ng dalawang kalalakihan, si Jose na tinatawag na Barsabas, na pinangalanan ring Justo, at si Matias.
24Nanalangin sila at sinabi, “Ikaw, Panginoon, ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao, kaya ipahayag mo kung sino sa dalawang ito ang iyong pinili
25upang pumalit sa gawaing ito at sa pagka-apostol mula nang si Judas ay lumabag upang magtungo sa kaniyang sariling lugar.''
26Sila ay nagpalabunutan para sa kanila; at napunta kay Matias ang palabunutan at siya ang ibinilang na kasama ng labing-isang apostol.

Read Mga Gawa 1Mga Gawa 1
Compare Mga Gawa 1:20-26Mga Gawa 1:20-26