Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 19

Mga Gawa 19:21-39

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
21Ngayon nang natapos ni Pablo ang kaniyang ministeryo sa Efeso, nagpasya siya sa Espiritu na dumaan sa Macedonia at Acaya patungong Jerusalem; sinabi niya, “Pagkagaling ko roon, kailangan ko ring makita ang Roma.”
22Pinadala ni Pablo ang dalawa sa kaniyang mga alagad sa Macedonia, si Timoteo at Erasto, na tumulong sa kaniya. Ngunit siya ay nanatili muna sa Asia ng kaunting panahon.
23At nagkaroon ng malaking kaguluhan sa panahong iyon Efeso patungkol sa Daan.
24May isang magpapanday ng pilak na nagngangalang Demetrio, na gumagawa ng imahe ni Diana na pilak, na nagbibigay ng malaking negosyo sa mga nagpapanday.
25Kaya tinipon niya ang mga manggagawa sa trabahong iyon, at sinabi, “Mga Ginoo, alam ninyo na sa negosyong ito tayo kumikita ng malaking halaga.
26Nakikita at naririnig ninyo iyon, hindi lang sa Efeso, ngunit halos sa buong Asia. Ang Pablong ito ay nanghikayat at nagpalayo ng maraming tao. Sinasabi niya na walang mga diyos-diyosan na gawa sa mga kamay.
27At hindi lamang iyon ang panganib na ang mga kalakal natin ay hindi na kakailanganin, subalit pati narin ang templo ng dakilang diyosang si Diana ay maaring mawalan ng halaga. At mawawalan din siya ng kadakilaan, na siyang sinasamba ng buong Asia at ng buong mundo.”
28Nang marinig nila ito, napuno sila ng galit at sumigaw na nagsasabi, “Dakila si Diana ng mga taga- Efeso.”
29Napuno ng kaguluhan ang buong lungsod, at ang mga tao ay sama-samang nagmadali papunta sa tanghalan. At dinampot nila ang mga kasamahan ni Pablo sa paglalakbay na sina Gaius at Aristarco, na taga-Macedonia.
30Nais ni Pablo na pumasok sa gitna ng napakaraming tao, ngunit pinigilan siya ng mga alagad.
31Maging ang ilan sa mga opisyal ng probinsiya ng Asia na kaniyang mga kaibigan ay nagpadala ng mensahe na nakikiusap na huwag siyang tumuloy sa tanghalan.
32Ang ibang mga tao ay sumisigaw ng isang bagay, at ang ilan ay naman, sapagkat nalito ang mga tao. Karamihan sa kanila ay hindi alam kung bakit sila nagkatipon-tipon doon.
33Dinala ng mga Judio si Alejandro palabas sa maraming tao, ihinarap siya sa mga tao. Si Alejandro ay nagsenyas ng kaniyang kamay upang magbigay ng paliwanag sa mga tao.
34Ngunit nang malaman nila na siya ay isang Judio, sumigaw silang lahat ng may iisang tinig sa loob ng dalawang oras, “Dakila si Diana ng mga taga Efeso.”
35Nang patahimikin ng kalihim ng bayan ang mga tao, sinabi niya, “Kayong mga taga-Efeso, sino ba naman ang hindi nakakaalam na ang lungsod ng mga taga Efeso ay tagapag-ingat ng templo ng dakilang Diana at ng kaniyang imahe na nahulog mula sa langit?
36Nakikita naman natin na ang mga bagay na ito ay hindi maitatanggi, kinakailangan na kayo ay manahimik at huwag maging pabigla-bigla.
37Sapagkat dinala ninyo ang mga lalaking ito sa hukumang ito na hindi magnanakaw sa templo o nagsasalita ng masama sa ating diyosa.
38Kaya, kung si Demetrio at ang mga manggagawa na kasama niya ay may reklamo laban sa sinuman, bukas ang hukuman at nandiyan ang mga gobernador. Hayaan ninyo na akusahan nila ang isat isa.
39Ngunit kung naghahanap kayo ng kasagutan sa anumang bagay, ito ay maaring maayos sa pagpupulong.

Read Mga Gawa 19Mga Gawa 19
Compare Mga Gawa 19:21-39Mga Gawa 19:21-39