Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 18

Mga Gawa 18:9-14

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
9Isang gabi sinabi ng Panginoon kay Pablo sa isang pangitain, “Huwag kang matakot, kundi magsalita ka at huwag kang manahimik.
10Dahil kasama mo ako, at walang sinumang magtatangkang manakit sa iyo, dahil marami akong tao sa lungsod na ito.”
11Tumira doon si Pablo ng isang taon at anim na buwan, Nagtuturo ng salita ng Diyos sa kanilang kalagitnaan.
12Ngunit nang si Galio ay naging Gobernador ng Acaya, sama-samang nag alsa ang mga Judio laban kay Pablo at dinala siya sa harap ng hukuman;
13sinabi nila, “Ang lalaking ito ay nanghihikayat sa mga tao na sumamba sa Diyos na labag sa batas.”
14Ngunit nang magsasalita na si Pablo, sinabi ni Galio sa mga Judio, “kayong mga Judio, kung totoo man na ito ay tungkol sa isang pagkakamali o isang krimen, nararapat lamang na harapin ko kayo.

Read Mga Gawa 18Mga Gawa 18
Compare Mga Gawa 18:9-14Mga Gawa 18:9-14