Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 18

Mga Gawa 18:7-16

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
7At siya ay umalis at nagpunta sa tahanan ni Ticio Justu, isang lalaking sumasamba sa Diyos. Ang kaniyang tahanan ay nasa tabi ng sinagoga.
8Si Crispo na namumuno sa sinogoga at lahat sa kaniyang sambahayan ay nanampalataya sa Panginoon. Marami sa mga taga-Corinto na nakarinig kay Pablo ay nanampalataya at nabautismuhan.
9Isang gabi sinabi ng Panginoon kay Pablo sa isang pangitain, “Huwag kang matakot, kundi magsalita ka at huwag kang manahimik.
10Dahil kasama mo ako, at walang sinumang magtatangkang manakit sa iyo, dahil marami akong tao sa lungsod na ito.”
11Tumira doon si Pablo ng isang taon at anim na buwan, Nagtuturo ng salita ng Diyos sa kanilang kalagitnaan.
12Ngunit nang si Galio ay naging Gobernador ng Acaya, sama-samang nag alsa ang mga Judio laban kay Pablo at dinala siya sa harap ng hukuman;
13sinabi nila, “Ang lalaking ito ay nanghihikayat sa mga tao na sumamba sa Diyos na labag sa batas.”
14Ngunit nang magsasalita na si Pablo, sinabi ni Galio sa mga Judio, “kayong mga Judio, kung totoo man na ito ay tungkol sa isang pagkakamali o isang krimen, nararapat lamang na harapin ko kayo.
15Ngunit dahil ito ay mga katanungan lamang tungkol sa mga salita at mga pangalan at sarili ninyong batas, lutasin ninyo ito sa inyong mga sarili. Hindi ko gustong maging hukom ng mga bagay na ito.”
16Pinaalis sila ni Galio sa hukuman.

Read Mga Gawa 18Mga Gawa 18
Compare Mga Gawa 18:7-16Mga Gawa 18:7-16